
Riot na katatawanan at may kapupulutang aral ang handog ng Dear Uge noong Linggo!
Sa August 8, 2021-episode nitong pinamagatang "Manananggal," nakilala ang barangay chairwoman na si Luciana (Rita Avila).
Bilang kapitana, top priority ni Luciana na mabawasan ang krimen sa kanilang barangay na matagal nang kuta ng mga magnanakaw at iba pang kriminal.
Para sa kanyang komunidad, imposible itong mangyari kaya naman may special plan ang barangay tanod na si Tomas (Divine Tetay).
Ipinagkalat niya na isang friendly manananggal si Luciana na pinoproteksyunan ang kanilang barangay mula sa mga masasamang loob.
Effective naman ang pakulo ni Tomas dahil bumaba ang crime rate sa kanilang barangay.
Gayunpaman, hindi lahat ay masaya sa pagpapanggap ni Luciana at numero uno diyan ang barangay councilor na si Teresing (Mosang).
Sa palagay ni Teresing, hindi kailangan ng isang manananggal sa kanilang barangay para masugpo ang mga kriminal kaya isinulong niya na pababain sa pwesto si Luciana.
Isa sa mga naalarma ang anak ni Luciana na si Dolores (Shayne Sava).
Nakarating pa ang nakakakilabot na kababalaghang ito sa team ng KMJS kaya inimbitahan si Luciana ng programa na magpa-interview.
Tinanggihan naman ito Luciana dahil inamin niyang siya ay fake manananggal lamang.
Patuloy na subaybayan ang kwentuhan sa Dear Uge kasama si Eugene Domingo, tuwing Linggo, 3:35 p.m., pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA.
Kung nais ninyong balikan ang episodes ng Kapuso sitcom, bisitahin lang ang GMANetwork.com o GMA Network app.