GMA Logo ysabel ortega on dear uge
What's on TV

Ysabel Ortega, kaiinisan si LJ Reyes sa 'Dear Uge'

By Jansen Ramos
Published August 19, 2021 12:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WATCH: Fire hits community in Antipolo City
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

ysabel ortega on dear uge


Gaganap bilang teacher at potential stepmom ni Ysabel Ortega si LJ Reyes sa bagong episode ng 'Dear Uge' na pinamagatang "Steph Ma'am" ngayong Linggo.

Kapupulutan ng aral ang kwelang kwento tungkol sa buhay-estudyante at buhay-pamilya ang mapapanood sa all-new episode ng Dear Uge na pinamagatang "My Steph Ma'am" ngayong Linggo.

Tampok dito si Ysabel Ortega na gaganap sa papel na Anna, isang college freshman.

Ysabel Ortega in dear uge


Photo by Carlo Del Prado

Gaya ng ibang estudyante, may kinaiinisang guro si Anna at iyan ang terror teacher na si Stephanie Tuazon (LJ Reyes).

Hatest teacher ni Anna si Ma'am Steph dahil super strict ito lalo na sa pagbibigay ng grades.

lj reyes ysabel ortega tess antonio in dear uge


Photo by Carlo Del Prado

Mabubunutan lang ng tinik sa dibdib si Anna kapag lumipat ng school si Stephanie.

Luckily, madidinig ang wish ni Anna. Pero ang kapalit nito, mas malala pa sa kanyang inaakala dahil si teacher ay girlfriend pala ng kanyang Daddy Paul (Wendell Ramos).

 tess antonio ysabel ortega wendell ramos lj reyes in dear uge


Photo by Carlo Del Prado

Sa tulong ng kanyang Yaya Josie (Tess Antonio), gagawa ng paraan si Anna para ma-"cancel" si Stephanie sa kanilang buhay for good.

tess antonio and ysabel ortega in dear uge


Photo by Carlo Del Prado

Magtagumpay kaya siya sa kanilang evil plan? At anong pag-a-adjust at pagdidisiplina ang gagawin ni Paul sa spoiled brat niyang anak para matanggap nito si Steph na potential stepmom niya?

lj reyes and wendell ramos in dear uge


Photo by Carlo Del Prado

Paniguradong riot ang katatawanan at kuwentuhang 'yan sa Dear Uge, kasama si Eugene Domingo bilang Nella Bratinella.

Kaya tutukan 'yan ngayong Linggo, August 22, 3:00 p.m., pagkatapos ng 'Pacquiao vs. Ugas: The Legend vs. The Olympian' sa GMA.

Samantala, tingnan ang glow up transformation ni Ysabel Ortega rito: