
Exciting ang kuwelang kwento tungkol sa friendship ang mapapanood sa all-new episode ng Dear Uge na pinamagatang 'Tom, Dick, and Gery' ngayong Linggo.
Tampok dito sina Benjamin Alves at Mike Tan na gaganap bilang best friends sa papel na Tom at Dick.
Bata pa lang sina Tom at Dick ay close na ang dalawa kaya hanggang sa pagrenta ng bahay sa Maynila ay magkasama sila.
Photo by Carlo Del Prado
Sa inuupahang bahay ay kasama nila si Alex (Dave Bornea). Aalis din pala ito sa sa bahay kaya naman hahanap ng kapalit sina Tom at Dick
Ang kapalit ni Alex, ang seksing babae na si Gery (Myrtle Sarrosa).
Photo by Carlo Del Prado
Ano kaya ang mababago sa buhay ng mag-best friends na sina Tom at Dick sa pagpasok ni Gery? Masira kaya ang kanilang pagkakaibigan dahil sa kanilang new housemate?
Photo by Carlo Del Prado
At ano ang papel ni Gery sa friendship breakup nina Tom at Dick?
Photo by Carlo Del Prado
Paniguradong riot ang katatawanan at kuwentuhang 'yan sa Dear Uge, kasama si Eugene Domingo bilang Babygurlz0237.
Kaya tutukan 'yan ngayong Linggo, August 29, 3:35 p.m., pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA.