What's on TV

Dear Uge: Ang lucky extra finger ni Pining

Published September 28, 2021 1:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WATCH: Fire hits community in Antipolo City
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

andrea torres in dear uge


Simula noong naputol ang 11th finger ni Pining, kinonekta niya ito sa mga kamalasang dumarating sa buhay niya.

Riot na katatawanan at may kapupulutan ng aral ang handog ng Dear Uge noong Linggo, September 26.

Sa nakaraang episode ng Dear Uge na pinamagatang 'Labing-isang daliri,' nakilala si Pining (Andrea Torres), ang babaeng may extra finger na pinangalanan niyang "Tony."

Successful woman si Pining--may parlor business, may magandang bahay, at isang mapagmahal na boyfriend.

Ang lahat ng ito ay inuugnay niya sa kanyang labing-isang daliri na pinaniniwalaan niyang nagdadala ng suwerte sa kanyang buhay.

Sa kasamaang palad, isang aksidente ang nangyari kay Tony na ikinabahala ni Pining.

Naputol ang kanyang lucky finger matapos itong maipit sa pinto ng kotse.

Simula noon, kinonekta niya ang aksidente sa mga kamalasang dumarating sa buhay niya.

Panoorin ang episodic highlights ng 'Labing-isang daliri' sa video sa itaas.

Patuloy na subaybayan ang kwentuhan sa Dear Uge kasama si Eugene Domingo tuwing Linggo, 3:35 p.m., pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA.

Kung nais ninyong balikan ang nakaraang episodes ng Kapuso sitcom, bisitahin lang ang GMANetwork.com o GMA Network app.