GMA Logo dear uge
What's on TV

Dear Uge: Crush ko, bet ang kapatid ko!

Published October 19, 2021 3:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan proposes record budget spending while curbing fresh debt
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

dear uge


Maraming pagkakaiba ang magkapatid na sina Tabby at Betty pero pagdating sa pag-ibig, pareho sila ng tipo ng lalaki kaya dito nagsimula ang kanilang sibling rivalry.

Riot na katatawanan na kapupulutan ng aral ang handog ng Dear Uge noong Linggo, October 17.

Sa nakaraang episode ng Dear Uge na pinamagatang 'Ganda Ka, Te?', nakilala ang magkapatid na sina Tabby (Cai Cortez) at Betty (Kim Rodriguez).

Maraming pagkakaiba ang magkapatid pero pagdating sa pag-ibig, pareho sila ng tipo ng lalaki kaya dito nagsimula ang kanilang sibling rivalry.

Paano naman kasi, crush ni Betty ang doctor neighbor nilang si Sam (Luke Conde). Pero si Sam, hindi si Betty ang type kundi si Tabby!

Nahulog kasi si Sam sa kabaitan ng flabby engineer noong binigyan siya nito ng pagkain matapos masiraan ng kotse. Noong panahong iyon, napagkamalan pa ni Betty si Sam na taong grasa kaya naman na-turn off ang binata sa kanya dahil judgmental pala ang sexy na dalaga.

Sa huli, nagparaya rin si Betty at ipinaubaya si Sam kay Tabby.

Patuloy na subaybayan ang kwentuhan sa Dear Uge kasama si Eugene Domingo tuwing Linggo, 3:35 p.m., pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA.

Kung nais ninyong balikan ang nakaraang episodes ng Kapuso sitcom, bisitahin lang ang GMANetwork.com o GMA Network app.