GMA Logo Dear Uge
What's on TV

Dear Uge: Dating mga taong grasa, social climber na ngayon!

Published January 9, 2022 3:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Dear Uge


Sa pamamagitan ng pabuya na natanggap nila matapos nilang ibalik ang diyamante sa nagmamay-ari nito, nagkaroon ang pamilya taong grasa ng pagkakataong mangupahan sa isang engrandeng mansyon.

Riot na katatawanan ang handog ng Dear Uge noong Linggo, January 2.

Sa nakaraang episode ng Dear Uge na pinamagatang 'Oh My Cash,' nakilala ang pamilya nina Wena (Manilyn Reynes) at Nestor (Keempee De Leon) na nagbago ang buhay nang dahil sa napulot nilang diyamante.

Sa pamamagitan ng pabuya na natanggap nila matapos nilang ibalik ang diyamante sa nagmamay-ari nito, wala nang nakapigil sa mga anak nilang sina Nene (Liezel Lopez) at Nono (Abdul Raman) na bilhin ang luho nila gamit ang pera ng kanilang mga magulang.

Nagkaroon din sila ng pagkakataong mangupahan sa isang engrandeng mansyon. Ngunit ang masayang pananatili, napalitan ng tukso nang dahil sa seksing katulong na si Andi (Angela Alarcon).

Sa kabila ng komportableng buhay, nais ni Wena na bumalik sa kanilang dating lifestyle dahil sa sunud-sunod na problema na dumating sa kanila.

Pero ang nag-iisang malas pala sa kanilang mansyon ay ang katulong nilang si Andi na nagnanakaw ng kanilang pera.

Patuloy na subaybayan ang kuwentuhan sa Dear Uge kasama si Eugene Domingo tuwing Linggo, 3:35 p.m., pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA.

Kung nais ninyong balikan ang nakaraang episodes ng Kapuso sitcom, bisitahin lang ang GMANetwork.com o GMA Network app.