GMA Logo Delayed Justice Tcard
What's on TV

K-drama na 'Delayed Justice,' mamaya na!

By Dianne Mariano
Published September 11, 2022 10:24 AM PHT
Updated September 11, 2022 10:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rains, cloudy skies expected across PH
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News

Delayed Justice Tcard


Handa na ba kayong muling mapanood si Kwon Sang-woo? Abangan ang kanyang pagbabalik sa 'Delayed Justice,' mamaya na sa GTV!

Mapapanood na mamayang hapon ang Korean legal drama series na Delayed Justice sa GTV.

Ang kuwento nito ay tungkol sa public defender na si Bon at reporter na si Vince na parehong magtutulungan para ipaglaban ang mga biktima ng maling akusasyon at nasa laylayan ng lipunan.

Pinagbibidahan ito ng mahuhusay na Korean actors na sina Kwon Sang-woo (Bon), Bae Sung-woo (Vince), at Kim Joo-hyun (France).

Kabilang din sa seryeng ito sina Jung Woong-In (Maynard), Kim Eung-soo (Charlie), Jo Sung-ha (Kevin), Kim Gab-soo (Joam), at Ahn Shi-ha (Lieza).

Paano kaya lalaban sina Bon at Vince para sa mga kapus-palad?

Huwag palampasin ang premiere ng Delayed Justice mamayang 5:30 p.m. sa GTV.

Subaybayan ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.