
Masyado niyang ginalingan, mga bes!
Si Thea Marie Gegajo ang week 2 winner ng Destined To Be Yours fan art contest.
Gumawa siya ng digital artwork na inspired ng pagkikita nina Benjie (Alden Richards) at Sinag (Maine Mendoza) sa hanging bridge ng Pelangi.
Umani ng score na 91% ang kanyang obra mula sa mga judges ng contest. Ang score na ito ay kabuuan ng criteria na 40% originality and relevance to the show, 50% creativity at 10% quality of image.
LOOK: Top 10 entries sa week 2 ng 'Destined To Be Yours' fan art contest
Makakatanggap siya ng limited edition Destined To Be Yours shirt at ang transparent na payong ni Sinag na pinirmahan pa mismo ni Maine.
May nanalo na nga pero huwag muna kayong magsiuwi dahil bukas pa rin ang contest! Bisitahin DestinedToBeYours.com.ph/promos ang para malaman ang iba pang detalye.
Turn your kilig into art at patuloy na mag-submit para magkaroon ng chance na mapanalunan ang flower crown ni Sinag na ginamit niya sa first date nila ni Benjie.
Bukod dito, patuloy na mag-log on sa DestinedToBeYours.com.ph para sa mga exclusive videos at updates tungkol sa pinakanakakakilig na GMA Telebabad series na Destined To Be Yours!