GMA Logo Doctor John
What's on TV

Doctor John: Ang epidemya | Week 3

By Izel Abanilla
Published March 30, 2022 3:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr to build covered walkway connecting two QC malls along EDSA
BFP 7 hoists Red Alert status for the holidays
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Doctor John


Malaki ang magiging pagbabago sa takbo ng kwento sa mangyayaring epidemya at mga rebelasyon na magaganap sa buhay nina Doctor John, Sylvia at iba pa.

Patuloy na lalalim ang relasyon sa pagitan nina Doctor John at Sylvia. Mas makikilala nila ang isa't-isa sa pagtakbo ng panahon.

Malalaman ni Sylvia ang tungkol sa kundisyon ni Doctor John na labis na magdudulot sa kanya ng pag-aalala. Samantala hindi pa rin matatakasan ng henyong doktor ang kaniyang madilim na nakaraan. Patuloy pa rin siyang uusigin ng mga tao, kapwa niya doktor at lalong-lalo na si Prosecutor Samuel.

Sa gitna ng pinagdadaanan ng bawat isa, isang matinding problema ang kakaharapin ng buong medical force. Katulad ng pinagdadaanan sa kasalukuyang panahon, isang epidemya ang lulukob sa sangkatauhan na susubok sa medical force. Susubukan din nito hindi lang ang katatagan nina Doctor John at Sylvia ngunit pati na rin ng relasyon nilang dalawa.

Nahaharap sa isang matinding pagsubok bilang isang anak at doktor si Sylvia dahil sa medikal na sitwasyon ng kanyang ama kung saan tinitimbang niya ang pag-asa nitong mabuhay laban sa labis na sakit na nadarama nito.

Para malaman kung ano ang magiging kinalaman ng mga karakter sa bawat isa, tumutok sa mga kapanapanabik na eksena sa Doctor John.

Balikan ang ilan sa mga nangyari sa Doctor John last week sa videos below.