
Suportado ng Philippine Army Special Forces Regiment (Airborne) commander na si Brigadier General Lincoln Francisco T. Tagle ang Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) dahil sa tema nitong makabayan.
Isabubuhay nina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Lucho Ayala, Jon Lucas, at Prince Clemente sa upcoming series ang elite special forces unit ng Philippine Army.
"Na-i-de-depict through this series ang ating Special Forces, ang ating kasundalauhan, kung ano ang papel niya, kung ano ang contribution n'ya, kung ano ang [epekto nito] both sa profession at saka personal na buhay," pahayag ni BGen Tagle.
Ayon pa sa kanya, naniniwala siyang malaki ang maiaambag ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) para "ma-develop ang patriotism."
Kaya naman tiwala siyang maraming mahihikayat na sibilyan na sumali sa reserve forces ng AFP sa pamamagitan ng GMA series tulad ng lead actors nitong sina Dingdong at Rocco.
Si Dingdong ay Lieutenant Commander ng Navy reserve force, samantalang Petty Officer Third Class naman si Rocco.
Dingdong Dantes is now a lieutenant commander of the Philippine Navy
Rocco Nacino donned with the rank of Petty Officer Third Class in the PH Navy anew
Kapuso Showbiz News: Newly-promoted PH Navy reservist Dingdong Dantes gives inspiring speech
Sambit ni BGen Tagle, "'Yun po ang isang magandang epekto nitong Descendant of the Sun na na-project ang mga papel ng mga reservist na napakaimportateng parte ng ating seguridad."
Bahagi pa niya, "No'ng nag-courtesy call sa amin si Dingdong, sinabi ko sa kanila sa grupo na ang seguridad ay hindi lang responsibilidad ng nakauniporme, 'di lang responsibilidad ng mga sundalo.
"Ito ay responsibilidad din ng lahat ng tao, at tayo ay pwedeng makipag-contribute at isa d'yan ay sa pamamaraan ng pagiging reservist."
Kapuso Showbiz News: AFP Maj. Gen. Ernesto Torres,Jr. approves of 'Descendants of the Sun'
Kapuso Showbiz News: PH Army, malaking tulong sa pagbuo ng 'DOTS Ph'