TV

WATCH: Rocco Nacino, paulit ulit pinapanood ang 'Descendants of the Sun'

By Marah Ruiz

Sa Lunes na, February 10, ipapalabas ang pinakaaabangang Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation).

Kabilang sa cast nito si Kapuso actor Rocco Nacino na gaganap bilang TSg Diego Ramos o Wolf na hango sa karakter ng aktor na si Jin Goo sa orihinal na bersiyon ng serye.

Ayon kay Rocco, paulit ulit daw niyang pinapanood ang ilang mga eksena mula sa Korean series para makakuha ng insipirasyon para sa kanyang role.

"Pinapanood ko nang pinapanood ulit 'yung mga iconic scenes na ginagawa. Tinitingnan ko kung paano inatake ni Jin Goo 'yung mga scenes niya, ang kung paano ko mabibigyan ng sariling feel ko na mamahalin din ng mga tao," pahayag ni Rocco.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras:



Tunghayan ang exciting first episode ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa Lunes, February 10, pagkatapos ng Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday sa GMA Telebabad.

'Descendants of the Sun Ph,' suportado ng ng Philippine Army

Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation): Ang Alpha Team