What's on TV

Rocco Nacino on his dream house: 'Iyak ako, it's 9 years of hard work'

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 28, 2020 12:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

 Rocco Nacino dream house


Masaya si 'DOTS Ph' star Rocco Nacino na tapos na ang kanyang pinapagawang bahay. Kailan kaya siya lilipat?

Hindi maitago ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ang kanyang saya dahil tapos na ang pinapatayo niyang bahay sa isang exclusive subdivision sa Antipolo City.

Ayon kay Rocco, nine years niyang pinag-ipunan ang kanyang ipinapatayong bahay at plano niyang lumipat dito sa kanyang kaarawan sa March 21.

Nakausap ng piling entertainment press si Rocco at kanyang co-star sa Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) na si Jasmine Curtis-Smith sa Ethan's Cafe sa Quezon City noong February 27.

Pahayag ni Rocco, “Iyak. Iyak ako. It's nine years of hard work, talagang labor talaga, hindi siya 'yung pa-easy-easy na pera.

“Puyat, dugo, pawis talaga.”

Ngayong may bahay na siyang sarili, natanong din si Rocco kung may plano na silang magpakasal ng kanyang nobya na si Melissa Gohing.

Sagot ni Rocco, “Parang matinding ipunan din 'yun.”

Panoorin ang buong pahayag ni Rocco sa Kapuso Showbiz News video na ito:

Patuloy na suportahan sina Rocco at Jasmine sa Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation), Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.