What's on TV

Rocco Nacino on DOTS Ph's earthquake scene:"Nakakapagod"

By Jansen Ramos
Published March 18, 2020 3:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss Grand International All Stars: Guidelines, activity roadmap unveiled
Couple dead, child hurt in Nueva Ecija road mishap
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino on DOTS Ph


Rocco Nacino on the much-awaited earthquake scene in 'Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation):' "Grabe, nakakapagod talaga but I'm sure worth it siya kasi ang ganda ng mga shots."

Bago pansalamantalang mawala sa ere, ihahandog ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) ang isa na namang iconic scene na talaga namang iniyakan ng marami.

Rocco Nacino
Rocco Nacino

Ngayong Miyerkules, March 18, mapapanood ang inaabangang earthquake scene sa Urdan na yayanig sa mundo ng Alpha Team at ng medical team.

Eksklusibong nakapanayam ng GMANetwork ang isa sa lead cast members ng serye na si Rocco Nacino. Wika niya, "Haynako, sa wakas, mapapanood na namin 'yung pinaghirapan naming situation sa Urdan."

Ayon sa 32-year-old actor, nag-effort at naglaan sila ng oras para ma-perfect ang eksena sa kabila ng nagbabagong panahon.

Kuwento niya, "This is the time na talagang binigyan namin ng oras, pagod, puyat, lalo na summer na, kasi ginawa namin ang mga eksena papasok ng summer.

"So the strain sa aming katawan, grabe, nakakapagod talaga but I'm sure worth it siya kasi ang ganda ng mga shots.

Ani pa ni Rocco, mararamdaman din ng mga manonood ang aksyon at ang pagiging makabayan ng mga karakter dito na natunghayan nila sa original version ng Descendants of the Sun.

Ngayong gabi, yayanig ang kanilang mundo. #DOTSPHEarthquake #DescendantsOfTheSunPH

A post shared by GMA Drama (@gmadrama) on

Sabi niya, "Ma-e-expect ng mga Kapuso natin dito 'yung aksyon, of course, 'yung pagiging heroic ng Alpha Team. Hindi lang ng Alpha Team, ng medical team as well.

"So makikita nila kung paano sila magwo-work together para ma-save 'yung mga taong nasalanta sa earthquake scene na ito."

Gayunpaman, sinisigurado ni Rocco na may Pinoy touch pa rin ang episode na mapapanood ngayong Miyerkules.

Paglilinaw niya, "Siyempre kakaibang take 'to sa original version.

"We adapted the story pero napaganda pa natin with our Filipino setting.

"Madugo 'yung mga eksena, kailangan ko mag-operate ng heavy equipment, mga gano'n.

"Tapos talagang maalikabok, ang dumi-dumi namin pero binigyan namin talaga ng oras 'yung mga shots para maramdaman ng mga Kapuso nating manonood 'yung hirap na pinagdaraanan ng Alpha Team para ma-save ang mga tao."

Simula Huwebes, March 19, pansamantala munang ihihinto ang pagpapalabas ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) dahil naka-taping break ito sanhi ng ipinatupad ng enhanced community quarantine. Ang requel ng hit telefantasya na Encantadia muna ang papalit sa current primetime series.

Samantala, maaaring mapanoood ang full episodes ng DOTS Ph sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Para sa iba pang updates, bumisita lamang sa GMANetwork.com.