
Sa pagbabalik ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa telebisyon, muling natutunghayan ang kuwento ng local version ng South Korean drama mula umpisa bilang refresher sa loob ng walong araw.
Sa ika-anim na episode ng serye na ipinalabas noong November 2, humingi ng saklolo si Maxine (Jennylyn Mercado) kay Lucas (Dingdong Dantes) matapos bumangga ang sasakyang minamaneho ng dalaga sa isang bato na malapit sa bangin.
Sinubukang pakalmahin ng sundalo ang nerbyosang doktora ngunit hindi ito tumigil sa kakasigaw hanggang sa matagumpay niya itong nasagip.
Panoorin ang mga eksena iyan sa video sa itaas. Kapag hindi ito naglo-load nang maayos, maaaring mapanood ang episode highlights DITO.
Matatandaang nasuspindi ang produksyon ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sanhi ng COVID-19 quarantine, kaya naman natigil din ang pagpapalabas nito sa telebisyon nang anim na buwan.
Nang ipatupad ang general community quarantine, nagbalik-taping ang serye para kuhanan ang mga naiwang eksena. Ang cast, staff, at crew ay sumailalim sa isang closed group shoot noong Setyembre bilang pag-iingat sa virus.
Ipinapalabas ang Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) Lunes hanggang Biyernes, 9:15 p.m., sa GMA-7.
Mapapanood ang all-new episodes ng GMA drama simula ngayong araw, November 5.