
Hindi na halos makapagsalita si Tom Rodriguez sa harap harapang pag-amin ni Janine Gutierrez na dream niyang magkasama sila sa isang project.
Sina Janine at Tom ay bibida sa bagong Kapuso show na Dragon Lady.
Kuwento ni Janine kay Lhar Santiago, "Ever since I started, itinatanong kung sino ang dream kong makatrabaho I always mention you. So I'm so happy talaga na finally 'eto. This is on my bucket list talaga."
Nagulat man ay nagpapasalamat si Tom sa sinabi ni Janine. Aniya, "Grabe naman! 'Di na ako makakapagsalita buong interview."
Makakasama nina Tom at Janine sina Edgar Allan Guzman at Joyce Ching sa Dragon Lady.