
Kuwento ni Janine Gutierrez, matagal na niyang pangarap na magkaroon ng mala-mythological na role tulad ng mga karakter sa American fantasy drama na Game of Thrones.
“Kung makakapili ako ng kahit anong dream role, it's Khaleesi from Game of Thrones. But the difference is, hindi lang ako may alagang dragon. Ako na mismo 'yung ginawang parang dragon. This is as close as it gets to that dream role of mine.”
Edgar Allan Guzman, makaka-love triangle nina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez sa 'Dragon Lady'
Janine Gutierrez, sumabak sa unang taping day ng 'Dragon Lady'
Dagdag ni Janine, mas fierce raw ang kaniyang current upcoming role kaysa sa mga naging role niya noon.
“Mas matindi ito, mas literal na palaban kasi bumubuga siya ng apoy.”
Mapapanood si Janine bilang si Celestina, ang mala-dragon na babae sa Dragon Lady simula ngayong March 4 sa GMA Afternoon Prime.