Ang Dragon Lady ay kuwento ni Celestina (Janine Gutierrez). Mapapasakamay niya ang isang mahiwagang dragon statue na magdadala ng suwerte at sumpa sa kaniyang buhay. Si Celestina ay may mala-dragon na itsura. Makikilala ni Celestina si Michael (Tom Rodriguez), isang adventurous ngunit mysteryosong Fil-Chinese na binata.
Tunghayan ang istorya ng Dragon Lady na magpapatunay na ang buhay ay napupuno ng suwerte, pagsisikap, at sumpa.
Makakasama sa cast ng Dragon Lady sina James Blanco, Diana Zubiri, Edgar Allan Guzman, Maricar de Mesa, DJ Durano, at Joyce Ching.