GMA Logo

Ibang-iba para kay Dwarfina ang mundong nakasanayan na natin. Ang dollhouse ay isang magarang mansion para sa kanya. Ang daga ay isang mabagsik na kalaban. Ang bakuran ay isang malawak na lupaing puno ng sorpresa at panganib. Gayunpaman, kahit na sandangkal ang kanyang laki, taglay pa rin ni Dwarfina ang puso ng isang normal na tao na naghahangad ng pagmamahal at umaasang makamit ang mga pangarap. May mga nilalang na sinliit din ni Dwarfina.

Sila ang tinatawag nating mga “Duwende” at nakatira sila s amundo ng Kalibut-an. Mapapadpad sa mundo nila si Yna kung saan siya’y tatanghaling prinsesa ng mga duwende at tatawaging Dwarfina. Sa pakikipagsapalaran ni Dwarfina sa ating mundo at sa daigdig ng mga duwende, matutuklasan natin na kahit ang maliit at ang minamaliit ay may mahahalagang papel na ginagampanan.

Abangan ang pagsisimula ng kuwento ni Dwarfina sa primetime gabi-gabi pagkatapos ng Jillian: Namamasko Po! dito lamang sa GMA.

TV Inside


TV Index Page


Dwarfina




Dwarfina: Gwendina, inutusan si Dwarfina na halikan ang kanyang paa?
Dwarfina: Romera, hindi magamit ang kapangyarihan laban kay Nunu Umberto?!
Dwarfina: Gwendina, pinagbuhatan ng kamay si Dwarfina!
Dwarfina: Lyndon, labis na nag-aalala para sa kanyang kasintahan!
Dwarfina: Hulyanto, nagpakita ng kalupitan sa Palasyo!