Si Sanya Lopez ang latest Kapuso star na pumili ng isang fan na nakasama niya sa isang online date. Naging masaya ang kuwentuhan habang kinikilala nila ang isa't isa.
Kuwento ni Sanya, pinili niya si Rye para maka-date dahil may napansin siyang katangian na nag-standout sa kanya.
Ani Sanya, "May puso 'yung pagsagot mo sa lahat ng mga katanungan. 'Yun ang importante bilang babae, 'di ba? 'Pag tinanong mo 'yung isang guy na parang espesyal ka sa kanya talaga."