
May payo kay Athena Madrid ang kanyang nakakatandang kapatid na si Ruru Madrid pagdating sa pagkilala ng lalaki na makaka-date.
Ito ay ibinahagi ni Athena nitong November 5 nang siya ay napanood sa E-Date Mo Si Idol bilang celebrity searcher. Ang qualities ng lalaki na dapat na i-consider umano ni Athena ay ikinuwento niya sa host na si Pekto Nacua.
Photo source: @artistcenter
Ayon kay Athena, pinayuhan siya ni Ruru na huwag tumingin lang sa kung sino ang guwapo.
"Sabi niya sa akin, Kuya Pekto, huwag lang daw puro guwapo ang tingnan ko. Kailangan daw nandoon pa rin 'yung mabait."
Dugtong pa ng StarStruck Avenger, "Kailangan daw tingnan ko pa rin kung mabait ba siya and respectful ba siya."
Ikinagulat ni Athena nang malaman niya na maraming sumali sa E-Date Mo Si Idol. Saad ng aktres, "Parang nakakataba ng puso kasi ine-expect ko parang walang masyadong sasali e. Kasi sino ba naman ako?"
Sa tatlong searchees, isa ang nag-stand out kay Athena. Kilalanin kung sino ito at panoorin ang kanilang date sa episode ng E-Date Mo Si Idol.
Related links:
Zonia Mejia, hanga sa kanyang naka-date na Pinoy from Australia
Analyn Barro, interesado sa kanyang naka-online date