
Ipinakilala na ang aktor na si Mavy Legaspi bilang isa sa mga bagong host ng longest-running noontime show sa Pilipinas na Eat Bulaga, na muling umere nang live ngayong Lunes, June 5.
Kasama ni Mavy bilang bagong Dabarkads sina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, Cassy Legaspi, at Alexa Miro.
Congrats Cassy and Mavy!
-- cassy_updates2023 (@cassy_updates23) June 5, 2023
06 | 05 | 2023
NewestEBHostCASSYxMAVY#CassyLegaspi 💛#MavyLegaspi 💙#EatBulaga#EB pic.twitter.com/cIqS5RKzlK
Sa naunang panayam kay GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, nilinaw nitong walang kinalaman ang GMA sa naging issue ng TAPE, Inc. at ng kampo nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon.
Aniya, “It was beyond our control, kung may control lang tayo, kung may say tayo sa mga nangyayari, siyempre hindi natin sila papakawalan, pipigilan natin sila, susubukan nating gawin ang lahat para mag-stay sila sa atin kaya lang, sa totoo, hands-off ang GMA diyan, its an internal issue between TVJ and TAPE Inc..
“In fact, nasa contract nila na they can change hosts, they can reformat, and this contract was negotiated by Mr. [Tony] Tuviera pa nu'ng time na 'yun and we have to honor the contract as long as there is no breach of its provision kasi iba ang contract e, it has legal consequences.”
Paglilinaw pa ni Atty. Gozon-Valdes, matagal nang nagsu-supply ng talents ang Sparkle GMA Artist Center sa Eat Bulaga katulad nina Asia's Multimedia Star Alden Richards, Bianca Umali, at Ruru Madrid.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG TRIVIA TUNGKOL KAY MAVY SA MGA LARAWANG ITO: