GMA Logo betong sumaya, paolo contis, buboy villar
What's on TV

Paolo Contis, may paglilinaw sa pagiging bagong host ng 'Eat Bulaga'

By Kristian Eric Javier
Published June 6, 2023 9:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Gasoline prices up by P1.20 on Tuesday, Dec. 9, 2025
Michelle Dee elevates casual outfit with designer bag
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

betong sumaya, paolo contis, buboy villar


Paolo Contis, sa pagho-host ng 'Eat Bulaga': "We were just called to work to continue the show..."

Itinuturing ng bagong Eat Bulaga hosts na sina Paolo Contis, Betong Sumaya, at Buboy Villar na isang karangalan ang mapabilang sa longest-running noontime show.

“We're very honored, na kami 'yung napili to continue the show. Siyempre, lilinawin lang naman natin na walang planong palitan, wala kaming chance palitan si Tito, Vic, and Joey. Wala kaming chance dun,” sabi ni Paolo sa interview nila kay Aubrey Carampel para sa "Chika Minute" ng 24 Oras.

Dagdag pa nito, “We were just called to work to continue the show because gusto ng TAPE Office na makapagbigay ng papremyo, saya, every day.”

Sa kabilang banda, inilarawan ni Betong ang suportang natanggap nila mula sa pamunuan ng TAPE Inc.

Aniya, “Pagpasok mo dito, 'yung atmosphere dito sa TAPE, talagang naramdaman mo na nandun sila para bigyan kami ng suporta.”

Samantala, sinabi rin ni Buboy na naka-focus lang siya sa entertainment habang nagho-host.

“Nagtiwala po sila sa 'kin at magtitiwala rin po ako sa mga naonood,” sabi nito.

Ipinakilala sina Paolo, Betong, at Buboy, kasama ang twin stars na sina Cassy at Mavy Legaspi, bilang bagong hosts ng Eat Bulaga nitong Lunes, June 5. Bukod sa bagong hosts, mayrooon ding bagong segments ang show na tinawag na “Count Me In,” Ikaw ang Pinaka,” at “Watch, Copy, and Post.”

SAMANTALA, TIGNAN ANG BAGONG YUGTO NG 'EAT BULAGA' KASAMA ANG BAGO NITONG MGA HOSTS AT SEGMENTS: