GMA Logo buboy villar on eat bulaga
What's on TV

Buboy Villar, sa 'fake news' bilang 'Eat Bulaga' host: 'Ano'ng magku-quit?!'

Published June 14, 2023 12:47 PM PHT
Updated June 14, 2023 1:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taiwan says its military can respond rapidly to any sudden Chinese attack
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

buboy villar on eat bulaga


Buboy Villar: "Tuloy ang pagpapasaya natin!"

Umugong nitong mga nakaraang araw ang bali-balitang nagpaalam na ang komedyanteng si Buboy Villar bilang host ng Eat Bulaga.

Agad naman itong nabigyang-linaw sa mismong programa ngayong Miyerkules, June 14.

Sa opening ng longest-running noontime show, kapansin-pansin na hindi kasama sa mga host si Buboy.

Sabi pa ni Paolo Contis, “Mga Dabarkads, baka napansin n'yo… Okay, tahimik po tayo… May kulang sa atin ngayon. Kailangan na nating pag-usapan 'to.

“Kahapon po, lumabas na yung balita na yung isang kasama natin, si Buboy, ay tumawag sa TAPE para mag-quit.”

Bago pa magpatuloy si Paolo, agad namang lumabas si Buboy para sumama sa grupo.

“Ano'ng magku-quit?!” sambit ni Buboy.

Sabi pa niya sa mga manonood, “Sorry, Dabarkads, ha. Sumakit lang yung panubigan ko. Sorry, pantog pala.”

Pagkatapos nito, nilinaw niya ang isyu, “Ayan ang mahirap kasi sa 'yo, Paolo, masyado kang naniniwala sa fake news. Tuloy ang pagpapasaya natin!”

Panoorin dito:

Isa si Buboy sa mga bagong host ng Eat Bulaga na ipinakilala noong June 5. Kabilang rito sina Paolo, Betong Sumaya, Alexa Miro, at ang kambal na sina Cassy at Mavy Legaspi.

Kasama na rin araw-araw bilang co-hosts sina Dasuri Choi at Kimpoy Feliciano. Regular performers naman ang Ppop girl group na XOXO at ang bandang Music Hero.

Samantala, noong Biyernes, June 9, opisyal ding ipinakilala bilang bagong host ng programa si dating Manila Mayor Isko Moreno.

NARITO ANG ILANG PANG PAGBABAGO SA 'EAT BULAGA':