IN PHOTOS: Male celebrities na nagsimula sa 'Eat Bulaga'

Sa mahigit na apat na dekada ng 'Eat Bulaga' on air, marami-rami na ring na-discover na male heartthrobs at actors ang longest-running noontime show.
Isa na rito ang sikat na TV-movie personality na si Jericho Rosales na naging launching pad ang Mr. Pogi contest noong 1996.
Naging second home din ng sikat na child star na si BJ Forbes ang 'Eat Bulaga.' Marami ring nagawang project si BJ noon kasama si Bossing Vic Sotto na tila sidekick na nito.
Unang napanood din si Derek Ramsay sa "Pool Watch" segment ng longest-running noontime show ng bansa.
Kilalanin ang mga aktor na bago pa man sumikat ay naging bahagi na ng 'Eat Bulaga' sa gallery na ito.


















