GMA Logo chaleco boys eat bulaga
Source: TAPE INC. (Facebook)
What's on TV

Chaleco Boys ng 'Eat Bulaga,' bagong all-male group na magpapakilig tuwing tanghalian

By Jimboy Napoles
Published July 19, 2023 6:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Napoles gets reclusion perpetua anew after Sandiganbayan convicts her for malversation
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

chaleco boys eat bulaga


Ang Kapuso stars na sina Yasser Marta, Kokoy De Santos, Michael Sager, at Kimpoy Feliciano ang mga bagong magpapakilig sa 'Eat Bulaga' tuwing tanghalian.

Isang hataw na dance number ang ipinakita ng bagong all-male group ng Eat Bulaga na Chaleco Boys sa “Fresh Vibes Wednesday” episode ng programa ngayong July 19.

Ang Chaleco Boys ay binubuo ng Sparkle stars na sina Yasser Marta, Kokoy De Santos, Michael Sager, at vlogger-actor na si Kimpoy Feliciano.

Matatandaan na ang apat na naggagwapuhang aktor ay kabilang sa mga nagsisilbing hosts ngayon ng bagong Eat Bulaga.

Si Yasser, mula sa kaniyang mga pinagbidahang series, nasubok na rin ngayon ang talento sa pag-perform at hosting. Hindi naman bago kay Kokoy ang magpasaya ng maraming Kapuso dahil kabilang din siya sa comedy gag show na Bubble Gang.

Isa naman si Michael sa miyembro ng talented young stars ng Sparkle na Sparkada na napapanood sa Sunday variety show na All-Out Sundays. Ang YouTube content creator naman na si Kimpoy ay napapanood na rin noon sa Eat Bulaga at sumali pa sa dating segment nito na “Bida Next.”

Sa isang Facebook post ng TAPE Inc., makikit ang mga larawan nina Yasser, Kokoy, Michael, at Kimpoy bilang bagong grupo na Chaleco Boys.

“Good Afternoon, Kapuso! Meet our Chaleco Boys, EB's All Male Group na magpapakilig sa inyo!” saad sa nasabing post.

Abangan ang iba pang mga kilig performance ng Chaleco Boys sa mga susunod pang mga episode ng Eat Bulaga.

Tumutok sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 noon, at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.

SILIPIN ANG MASAYANG KULITAN NG EAT BULAGA HOSTS SA GALLERY NA ITO: