
Masaya ang naging birthday celebration ng Kapuso hunk actor na si Yasser Marta sa programang Eat Bulaga kung saan nag-perform siya ng isang hard rock song number.
Ayon kay Yasser, ito ang first time na nagkaroon siya ng isang birthday production number at ito rin ang unang beses na nagdaos siya ng kaarawan on national TV sa pamamagitan ng Eat Bulaga.
Sa kaniyang birthday performance, inawit ni Yasser ang classic rock song na “You Give Love A Bad Name” ng American rock band na Bon Jovi.
Nagpapasalamat naman si Yasser sa Eat Bulaga at sa kaniyang co-hosts dito sa pagmamahal at pagsuporta sa kaniya.
Aniya, “Sobrang natutuwa ako kasi first time kong makapag-celebrate ng birthday sa TV. Tinuring niyo akong pamilya kaya sobra akong nagpapasalamat. Thank you, thank you.”
Nagbigay naman ng birthday message ang isa sa main hosts ng programa na si Paolo Contis.
“Sobrang proud ako sa'yo. Proud na proud kami sa nakita naming growth sa'yo. Ang galing mo bro. Were always here for you, mahal na mahal ka namin dito,” ani Paolo.
May birthday message din ang mga kasamahan ni Yasser sa bagong all-male group ng programa na Chaleco Boys na sina Kokoy De Santos, Michael Sager, at Kimpoy Feliciano.
Mensahe ni Kimpoy, “Sa totoo lang si Yasser, nagkaroon kami ng friendship na totoo. Sobrang bait na tao, sobrang inspiring.
“Behind the camera, nag-se-share talaga kami ng mga advice to each other kaya sobrang napalapit talaga sa akin itong tao na 'to. Mahal na mahal ko 'to kahit sobrang saglit pa lang kaming nagkakasama. Happy birthday bro, kung ano man ang wish mo sana matupad 'yan.”
Samantala, nagpadala naman ng birthday greetings ang aktres at nililigawan ni Yasser na si Kate Valdez.
“Happy birthday Yas! You deserve all the good things in life because of your good heart. Nandito lang ako palagi to support you,” sweet na mensahe ni Kate.
Samantala, tumutok sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 noon, at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.
KILALANIN NAMAN ANG CHALECO BOYS NG EAT BULAGA SA GALLERY NA ITO: