
Napuno ng saya at papremyo ang selebrasyon ng ika-44 taon ng Eat Bulaga ngayong Sabado, July 29.
RELATED CONTENT: Silipin ang kulitan ng Eat Bulaga hosts:
Sa nasabing anniversary episode, ipinakilala dito ang bagong segment ng noontime show na “May Pa-Key Sa'yo” kung saan ang bawat studio contestant na makakasali rito ay may tiyansang manalo ng isang milyong piso o brand new house and lot.
“Sa mundong puno ng pagbabago, ito ang sure na sure sa Eat Bulaga! 'May Pa-Key Sa'yo!'” saad sa tagline ng naturang segment.
Sa pagsisimula ng “May Pa-Key Sa'yo,” ang 25 taong gulang na ama na si Aljhon mula sa Barangay Iba, Silang Cavite, ang masuwerteng nagtuloy sa jackpot round.
Ayon kay Aljhon, ang premyo na nakuha nila sa Eat Bulaga ay ilalaan nila sa panganganak ng kaniyang misis.
Aniya, “Una po sa lahat ilalaan mo namin sa panganganak ng misis ko. Malapit na po siyang manganak. Second baby na po namin.”
Sa jackpot round, napili ni Aljhon ang asul na kahon gamit ang kaniyang “key.” Pero binigyan pa siya ng tiyansa ng hosts na sina Paolo Contis at Isko Moreno na magpalit ng kulay na kahon.
Sa ikalawang pagkakataon, pinili na nina Aljhon at ng kaniyang misis na buksan ang berdeng kahon.
Matapos ang tensiyon, napatalon sa saya ang lahat nang makitang ang laman ng berdeng kahon ay ang brand new house and lot.
Dito ay naging emosyonal sina Aljhon at ang kaniyang misis dahil sa regalo na kanilang natanggap mula sa Eat Bulaga na malaking tulong sa kanilang binubuong pamilya.
Tumutok sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 noon, at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.