Carren Eistrup, itinanghal na 'Bida Next' winner ng 'Eat Bulaga'

Ang 13-year-old Cebuana singer na si Carren Eistrup ang itinanghal na 'Bida Next' winner ng noontime show ng 'Eat Bulaga.'
Makakapag-uwi si Carren ng PhP500,000 in cash at brand new Next-Gen Ford Ranger. Kasama sa kanyang prize package ang P1 million worth of contract mula sa 'Eat Bulaga.' Ibig sabihin, mapapanood siya bilang newest Dabarkad ng longest-running noontime variety show sa bansa.
Sa final showdown ng 'Bida Next' na napanood ngayong Sabado, February 4, inawit ni Carren ang "The Climb" ni Miley Cyrus at "Pangarap Na Bituin" ni Faith Cuneta.
Bukod sa pagkanta, nagpakitang gilas din si Carren sa pagsayaw sa kanyang last challenge kung saan naghandog siya ng sing and dance performance para sa mga Gen Z.
Kilalanin pa si Carren Eistrup sa gallery na ito:








