Paolo Contis, inaming nasasaktan sa pagbansag na peke ang 'Eat Bulaga'

Sa bagong vlog ni Ogie Diaz kung saan mapapanood ang kanyang exclusive interview kay Paolo Contis, inamin ng 'Eat Bulaga' host na nasasaktan siya sa tuwing tinatawag na peke ang kanilang noontime show.
Sa naturang video, buong tapang na nagpakatotoo si Paolo sa kanyang nararamdaman tungkol sa mga negatibong komento ng netizens sa kanilang programa.
Aniya, “Para sa 'kin masakit yun, yung “fake.” Kasi anong fake doon sa ginagawa namin? Naiintindihan ko na may issue sa title. Yes, naintindihan ko but it's not for us to decide pero kung ano yung ginagawa namin, walang peke about it. Walang peke sa pagmamahal namin dun sa show.
“Naintindihan ko kasi fans sila ng original pero regardless of original, it doesn't make us fake, it makes us new. It makes us rookies but it doesn't make us fake. Kasi yung effort na binibigay namin, walang peke dun.”
Nag-iwan din ng mensahe ang naturang Sparkle actor at comedian para sa kanilang mga bashers. Ipinaliwanag ni Paolo na 'sincere' ang bawat host ng Eat Bulaga sa kanilang layunin na makapagpasaya at makatulong sa mga tao.
“If they think helping people, giving hope every day, na nagbibigay kami ng papremyo, you call it fake then so be it. But I don't think there is anything fake about what we do. Araw-araw tumutulong kami, araw-araw sinusubukan naming magpasaya, araw-araw may nananalo, araw-araw may pinupuntahan si Yorme [Isko Moreno], walang peke dun.
“Sana mapagbigyan nila kami because ang panlaban lang naman namin dun is yung sincerity of helping eh,” saad niya.
SAMANTALA, KILALANIN ANG BAGONG HOSTS NG 'EAT BULAGA' SA GALLERY NA ITO:









