
Noong nakaraang Sabado, July 15, na-interrupt ang laro nina Kapuso broadcast journalist Kara David at Sinon Loresca sa Jackpot En Poy sa Eat Bulaga dahil napansin nina Bossing Vic Sotto at Dabarkad Ruby Rodriguez na tila mainit ang ulo ni Bae-by Baste.
Nang lapitan ng AlDub ang Concert King, hindi nito pinansin sina Alden Richards at Maine Mendoza. Kaya naman tinanong ni Ruby kung bakit nagtatampo si Baste sa kanila.
Ani Ruby, "Bakit ka ba nagtatampo Bash?" Ang sagot ni Baste, "Bawal mag-uyab." Tila nagselos si Baste sa phenomenal love team at sinabing bawal daw "mag-uyab" o ang maging magkasintahan.
Kahapon, July 21, mukhang hindi na nagseselos si Baste at nakipagbati na sa kanyang Kuya Alden at Ate Maine. Saad niya sa kanyang Instagram post, "That's all folks... ok na po kami ni bestfriend kuya alden and ate maine... ok na po ako, ok na po kami, dapat kaming tatlo ay #dabarkadsgoal lagi."