
Bilang bahagi ng 40th anniversary celebration ng Eat Bulaga, nagtrabaho bilang Production Assistant (PA) si Pauleen Luna. Ano kaya ang naging karanasan niya?
LOOK: Pauleen Luna, nag-PA sa 'Eat Bulaga'
Sa first part ng video kung saan makikita ang pagiging PA ni Pauleen, mapapanood na 7 A.M. pa lang ay umalis na siya ng Laguna para maghanda at aralin ang kanyang bagong responsibilidad.
Anang dabarkad, sinubukan daw niyang gawin ang lahat ng trabaho ng iba’t ibang PA sa longest-running noontime variety show. Kasama sa checklist ng mga kailangan niyang gawin ay ang inventory ng hawak na numero ng audience members, mag-assist sa rehearsals para sa ‘Pinoy Henyo Kids,’ ihanda ang boards para sa naturang segment, i-brief ang ‘Pinoy Henyo Kids’ contestants, ipamahagi ang kanilang info sheet sa iba’t ibang grupo ng staff sa studio, maghanda para sa live show, at tumulong sa pag-release ng mga papremyo.
Sambit ni Pauleen tungkol sa kanyang naranasan, “Masaya siya kasi you get to interact with a lot of people, ‘yung audience, ‘yung mga contestants pero at the same time, nakakapagod.”
Panoorin ang mga ginawa ng ating dabarkad sa first part ng kanyang pagsabak bilang PA rito: