
Isa sa mga tanong ng netizens kay Michael V ay tungkol sa matagal niyang absence sa longest-running noontime show na Eat Bulaga.
TRIVIA: 34 personalities you didn't know started in 'Eat Bulaga'
Sa latest vlog ng Bubble Gang star na #BitoyStory, nilinaw na ng Kapuso comedy genius ang dahilan kung bakit hindi na siya napapanood sa Eat Bulaga.
Paliwanag ng multi-awarded comedian, sobrang busy niya sa iba't ibang projects na kailangan niya munang magpaalam sa noontime show.
Ani Bitoy, “Nami-miss ko rin sila siyempre. Mayroong point in my life na sobrang kailangan kong gawin na dati Wednesdays, Fridays and Saturdays ako, naging Fridays and Saturdays na lang. Naging Saturday na lang, so parang medyo nahihiya na ako.”
“Napakaliit na oras na lang ang mailalaan ko for them, nakakahiya namang magtrabaho nang ganun. And besides that time talagang kaputukan nung AlDub. I think that was the perfect time for me to do something else, 'yung mga kailangan kong gawin para hindi nakakahiyang medyo hindi muna pumasok sa [Eat] Bulaga.”
May komunikasyon din siya sa bumubuo ng Eat Bulaga at may ilang beses na raw siyang inimbitahan na mag-host.
Pero may pagkakataon lamang na hindi lang ito tumutugma sa schedule niya.
Dagdag ng Kapuso star, “From time to time tinatawagan pa rin ako ng Bulaga to host, it just happens na hindi lang talaga nagtutugma 'yung schedule, medyo busy pa rin. Pero open 'yung line namin ng [Eat] Bulaga, so no problem dun sa part na 'yun."
#MissingDabarkad: Where is Ryan Agoncillo?
Panoorin ang kabuuan ng vlog ni Bitoy.