What's on TV

WATCH: Ryzza Mae Dizon at Maine Mendoza, nagkamali ng sinakyang bus sa Israel

By Cara Emmeline Garcia
Published April 1, 2019 3:57 PM PHT
Updated April 1, 2019 4:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NAPOLCOM warns, urges public to report fake socmed pages
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News



Isang malaking adventure ang hatid ni Ryzza Mae Dizon sa kanyang latest vlog kung saan ipinasilip niya ang recent trip ng 'Eat Bulaga' Dabarkads sa Israel.

Isang malaking adventure ang hatid ni Dabarkads Ryzza Mae Dizon sa kanyang latest vlog.

Ryzza Mae Dizon at Maine Mendoza
Ryzza Mae Dizon at Maine Mendoza

Ipinakita ni Ryzza ang recent trip niya kasama pa ang ibang dabarkads ng Eat Bulaga sa Israel.

Mula sa Tel Aviv Airport, ang kanilang unang stop ay sa Caesarea Aqueduct na ayon sa tour guide ay ipinagawa ni King Herod noong 37 BC.

Boss Madame

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) on

Habang pabalik sa kanilang bus, kasama ni Ryzza si Maine Mendoza na nagkuwentuhan tungkol sa kanilang trip. Dahil sa naganap na katuwaan, nagkamali pa ang dalawa sa pagpili ng sinakyang bus.

Buti na lang nahalata kaagad ni Maine na iba ang bus na pinili nila at nahanap kaagad ang bus na nakalaan para sa kanila.

Panoorin ang funny adventure ni Ryzza Mae:

Tampok rin sa video ang Sea of Galilee kung saan pinili ni Hesus ang kanyang apat na apostles. Habang nililibot ang karagatan, sumali ang paborito nating Dabarkads sa sayawan ng traditional Israeli folk dance na tinatawag na “Hora”.

WATCH: A Guide to Israel's Holiest Sites

LOOK: Dabarkads' pilgrimage experience in Israel