What's on TV

'Family History' star Michael V., may mensahe sa grand finalists ng Little Miss Philippines 2019

By Aedrianne Acar
Published July 20, 2019 4:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Korean stars Kim Myung Soo, Choi Bo Min named PH tourism ambassadors
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion

Article Inside Page


Showbiz News



Michael V., “Natutuwa ako na dito sumali itong mga batang ito sa 'Eat Bulaga!'”

Ayon sa Family History star na si Michael V., malaking bagay na nakasali sa isang contest ng Eat Bulaga! ang grand finalists ng Little Miss Philippines 2019.

Michael V. / Source: Eat Bulaga (FB)
Michael V. / Source: Eat Bulaga (FB)

Paliwanag ni Michael na isa sa mga judge sa grand finals, na hindi biro ang binibigay na opprotunity ng Eat Bulaga! sa mga tulad nilang bata.

"Natutuwa ako na dito sumali itong mga batang ito sa Eat Bulaga! kasi ang Eat Bulaga! napakagandang starting point kung manalo o o hindi.

"Kasi, yung opportunity na ibinibigay ng Eat Bulaga!, lalo sa mga kabataan tulad niyo, napakalaki talaga."

WATCH: What did Michael V. learn about filmmaking while doing 'Family History'?

Itinanghal na grand winner this year si CJ Keith Longcanaya.


Ang guest appearance na ito ni Direk Bitoy sa Eat Bulaga! ay naging pagkakataon din para maka-bond niya ang kanyang mga dating co-stars sa noontime show.

Sa isang larawan makikita na masayang nakipagkuwentuhan ang asawa niya na si Mic Test Entertainment Head Carol Bunagan kay "Henyo Master" Joey de Leon.

Dabarkads, mapapanood na sa mga sinehan ang family drama movie ni Michael V. na Family History sa July 24!