GMA Logo Eat Bulaga Bawal Judgmental
What's on TV

PANOORIN: Maine Mendoza, nangisay sa kilig sa 'Bawal Judgmental'

By Dianara Alegre
Published January 30, 2020 7:05 PM PHT
Updated January 31, 2020 12:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rising P-pop group 1st.One to hold Asia Tour in 2026
Complete list of winners at the MMFF Gabi ng Parangal
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Eat Bulaga Bawal Judgmental


Kilig episode sa 'Bawal Judgmental,' trending sa Twitter!

Kakaibang kilig ang hatid ng January 30 episode ng “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga tampok ang mga lisensiyadong piloto.

Guest celebrity judge sa episode si Kapuso singer-actress Rita Daniela at doon ay nasubok ang galing ng kanyang gut feeling.

Kabilang sa mga contestant o choices na “huhusgahan” ni Rita ay sina reporter Steve Dailisan, Jeric Fortuna, Steffi ng Quezon City, Jeremy ng Manila City, Kiano na tubong Valenzuela, Khasim na taga Antipolo City, Xaxa mula Las Piñas at Jeric ng Parañaque City.

Pero ang kakaiba sa episode na ito, puno ng kilig ang mga tagpo dahil nagmistulang mga match-maker sina Eat Bulaga hosts Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola at Allan K sa mga naging contestant.


Kabilang sa mga hindi nakapagpigil ng kilig ang isa sa Eat Bulaga Dabarkads na si Maine Mendoza.

Sa video kung saan huling-huli ang pangingisay niya sa kilig, sabi ni Maine, “Masarap kiligin kahit para sa ibang tao! Hay nako Steffi and Jeremy, push niyo na yan! Kilig to the bones kami lahat lalo na meee! #BawalJudgmental”

Nag-trend din ang kilig moment na ito sa Twitter at pinagkaguluhan ng netizen.


Panoorin ang nakakikilig na ganap sa "Bawal Judgmental" dito: