
No. 1 trending sa Twitter ngayong Araw ng mga Puso ang special episode ng segment na “Bawal Judgemental” ng Eat Bulaga, kung saan guest si Mars Pa More host Camille Prats kasama ang asawa niyang si VJ Yambao.
Will you marry me daw! ♥️♥️♥️#BawalJudgmental pic.twitter.com/f7pegKa8Lw
-- Eat Bulaga! (@EatBulaga) February 14, 2020
Tampok sa naturang episode ang mga magkasintahang ikakasal ngayong taon. At bilang pahabol sa listahan ng mga magpapalitan ng I do's ngayong 2020, hindi lang isa kung 'di dalawang pares - sa pangunguna nina Don at Jhay - ang nagdaos ng surprise proposal sa show.
Ikinagulat ito ng audience, pati na rin ng mga hosts na sina Bossing Vic Sotto, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola at Joey de Leon.
Napuno naman ng kilig ang buong studio nang sumagot ng “Yes” ang girlfriend ni Don na si Mina at karelasyon ni Jhay na si Janice sa alok na kasal ng mga nobyo nila.
Hindi lang sa studio naramdaman ang kilig dahil pati netizens ay nagpahayag ng kanilang tuwa at saya para sa dalawa sa pamamagitan ng pag-tweet sa naturang tagpo.
Yes, I do! Nakakaiyak. 😭
-- AC (@agstczguii) February 14, 2020
What an unexpected wedding proposal. Congratulations to Mina, & Don. 🤗@EatBulaga #BawalJudgmental pic.twitter.com/HZORbjJ4au
Not just 1 but 2! Congratulations sa inyo!#BawalJudgmental pic.twitter.com/aei138tI9t
-- Irish Cristobal❣️ (@frustratediris) February 14, 2020
Another wedding proposal! 💕
-- AC (@agstczguii) February 14, 2020
Janice and Jhay, Congratulations. 🎊
Full of love here #BawalJudgmental of @EatBulaga pic.twitter.com/Ft2g0e9EVU
At dahil sa tindi ng mga nangyari, nag-trending at labis na pinag-usapan ang surprise proposal online.
Napakasaya ng Araw ng mga Puso!
Congratulations, Don and Mina, and Jhay and Janice!
"Pilot love team" sa Bawal Judgemental ng 'Eat Bulaga,' nagkita na muli!
LOOK: Filipino voice actors, Rhian Ramos's 'Bawal Judgmental' stint trends on Twitter!