GMA Logo Michael Flores TGIS
What's on TV

Michael Flores, inamin kung sino ang naging ex-GF sa TGIS cast!

By Bianca Geli
Published February 27, 2020 4:28 PM PHT
Updated February 28, 2020 4:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Michael Flores TGIS


'Bawal Judgmental' viewers, kinilig sa rebelasyon ng TGIS actors.

Kinagiliwan ng viewers and February 27 episode ng "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga kung saan nag-guest ang ilan sa cast ng sikat na '90s teen-oriented drama na TGIS.

Ito ay sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Michael Flores, Ciara Sotto, Maui Taylor, Polo Ravales, at Dino Guevarra.

That was fun! Thank you @eatbulaga1979 and #bawaljudgemental. You should have heard and seen us sa dressing room... RIOT! Pasenysa na sa researcher and writers sa kulit namin 😂😂😂. #TGIS #eatbulaga

A post shared by 𝑨𝒏𝒈𝒆𝒍𝒖 𝑫𝒆 𝑳𝒆𝒐𝒏-𝑹𝒊𝒗𝒆𝒓𝒂 (@angeludeleonrivera) on

Nabuhayan ng kilig ang mga manonood nang balikan ng TGIS cast ang kanilang mga karanasan noong magkakasama sila TGIS, na umere sa GMA mula 1995 hanggang 1999.

Pasok sa Twitter trending list ang hashtag na #BawalJudgmental matapos magbukingan ang cast kung sino ang naging real-life lovers noon.

Bawal Judgmental TGIS
Bawal Judgmental TGIS

Isa sa sumikat na love teams noong dekada '90 ang tandem nina Angelu de Leon at Bobby Andrews sa TGIS bilang Peachy at Wacks.

Kuwento ni Bobby, “Siguro 'yung love team namin umabot for more than six years, that's why we work well together. We're really good friends. We mesh together, unfortunately, hindi lang naging kami.”

Dagdag niya, “Bilang magka-loveteam for the longest time it's been a pleasure and I still hope to work with you sometime in the future.”

Bagamat naging close, napag-alaman sa “Bawal Judgmental” na hindi sina Angelu at Bobby ang nagkaroon ng tunay na relasyon.

Sa tanong na sino ang nagkaroon ng ex sa TGIS cast, tumama ang nanghusga na si Kyo Quijano sa pagpili ka Michael Flores.

Lingid sa kaalaman ng fans ng TGIS, naging girlfriend ni Michael and ka-partner ni Bobby na si Angelu.

“Ano yun? Anong ginawa n'yo? Kailan?” pabirong hirit ni Bobby.

Sagot ni Michael, na dating miyembro ng Manoeuvres, “Huwag kang ano, nauna ako sa 'yo. Huwag kanga no, sumasayaw pa lang ako nun.”

Inilarawan pa niya ang relasyon nila noon ng Kapuso actress, “Bata pa kami n'on. Puppy love, kilig-kilig.”

Samantala, paglilinaw naman ni Angelu, “Para lang clear, Ang TV days pa 'yun, not TGIS, 'yung kay Mike, pero not during TGIS.”

Narito ang ilang kilig na reaksiyon ng mga manonood, kabilang si Maine Mendoza, sa Twitter: