What's on TV

Dingdong Dantes at Marian Rivera, almost perfect sa "Bawal Judgmental" ng 'Eat Bulaga'

Published March 7, 2020 5:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes and Marian Rivera on Eat Bulaga


Sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang naglaro sa laging trending na "Bawal Judgmental" ng 'Eat Bulaga,' ngayong araw, March 7.

Bumisita sina Kapuso Primetime Couple Dingdong Dantes at Marian Rivera sa longest running noontime show sa bansa na Eat Bulaga, ngayong araw, March 7.

Sila kasi ang guest players ng always trending game dito na "Bawal Judgmental" kung saan hinusgahan nila ang mga batang suki na sa mga quiz bee.

Nag-uwi sina Dong at Yan ng PhP 45,000 dahil isa lang ang naging mali nila sa buong laro.

Kinagiliwan naman ng mga manonood ang pagbisita ng dalawa sa Eat Bulaga.

Ikinatuwa din nila ang pagtrato ni Dingdong sa isang batang contestant na iniwan ng kanyang ina.

Sa tingin din ng netizens, bagay si Marian sa laro bilang isang psychology major at dating special education teacher.

Bahagi si Dingdong ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation). Panoorin ito Lunes hanggang Biyernes, pagktapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Samantala, abangan din ang pagbabalik primetime ni Marian sa upcoming series na First Yaya.