GMA Logo
What's on TV

Vic Sotto and Pauleen Luna perform worship songs amid coronavirus pandemic

By Cara Emmeline Garcia
Published March 25, 2020 10:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Patuloy na naghahatid ng saya sina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna sa kanilang tahanan sa gitna ng coronavirus pandemic sa pamamagitan ng pag-perform gabi-gabi.

Isang live performance ang hatid nina Eat Bulaga dabarkads Vic Sotto at Pauleen Luna habang nasa enhanced community quarantine para maibsan ang pagkalat ng coronavirus sa bansa.

Ang performance na ito ay kabilang sa Bayanihan sa Panalangin ng longest noontime variety show tuwing gabi para ipagdasal ang frontliners at ang mabilis na pag-recover ng coronavirus patients sa buong mundo.

Ani Pauleen, “Tune in po tayo, mga dabarkads, this is the first time that Eat Bulaga is doing this.

“We're gonna be having a rosary brigade and we're encouraging you na sana po ay ipagkalat niyo ito dahil ito pa ay real news.

“So, sana po sabihin niyo rin po sa mga relatives niyo at friends.”


Ang video na ito ay umabot na sa mahigit 4 million views online at 17K shares sa Facebook.

Maraming fans nina Pauleen at Vic ang tumutok online sa iba't ibang parte ng mundo at napahanga sa kanilang heartwarming performance.

Alden Richards joins Bayanihan Brigade

Sumama naman kahapon si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa Bayanihan Brigade ng Eat Bulaga kung saan nagbigay pa ito ng update mula sa kanyang tahanan sa Santa Rosa.

Ani Alden, “Nasa Santa Rosa po ako ngayon. Safe naman po kami dito Bossing.

“So far, mayroon na pong six confirmed cases na po kami so medyo humigpit lalo ang enhanced community quarantine dito.

“Dito naman po sa lugar namin, bali, bawal na pong tumanggap ng bisita, bawal na rin pong lumabas 'pag walang quarantine pass para po mapigilan talaga 'yung pagkalat.”


Kinanta nina Alden, Vic, at Pauleen ang “Here I Am, Lord” na sinabayan pa ng rosary prayer pagtapos nito.

Mapapanood ng live ang Bayanihan sa Panalangin, gabi-gabi at 8 pm, sa official Facebook page ng Eat Bulaga.

IN PHOTOS: Celebrity couples na tumulong sa COVID-19 crisis

GMA Network accepting donations for those affected by community quarantine