GMA Logo Pauleen Luna and Vic Sotto
What's on TV

Pauleen Luna, ipinakita ang kanilang work-from-home setup ni Vic Sotto

By Jansen Ramos
Published June 12, 2020 4:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Celebrity breakups that shocked the nation in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Pauleen Luna and Vic Sotto


Nagsilbing idiot board writer ni Vic Sotto ang kanyang asawang si Pauleen Luna habang nagho-host ng 'Eat Bulaga' mula sa kanilang bahay.

Dahil kasalukuyan pa ring ipinapatupad ang COVID-19 quarantine sa Kamaynilaan at sa ibang parte ng bansa, kanya-kanyang diskarte ang mga tao kung paano ipagpapatuloy ang kanilang mga trabaho.

Kabilang riyan si Vic Sotto na patuloy na nagbibigay-saya sa pamamagitan ng noontime show na Eat Bulaga, na muling umeere nang live.

Kahapon, June 11, ipinakita ng kanyang maybahay na si Pauleen Luna sa Facebook ang kanilang work-from-home setup.

Habang nagho-host ng programa via livestreaming ang TV host/comedian, si Pauleen ang nagsilbing idiot board writer ni Bossing.

Tingnan:

"Work from home.

"Ang writer ni Bossing sa bahay," saad ni Pauleen sa caption.

As of this writing, may mahigit 52,000 reactions na ang nasabing post sa Facebook.

RELATED CONTENT:

#BawalJudgmental trends on Twitter with the launch of anti-COVID-19 giant body shields!

Sino ang tinutukoy ni Vic Sotto na pinakanakinabang sa 85 days na quarantine?

LOOK: 'Eat Bulaga' hosts, ipinakita ang "new normal" sa APT Studios