
Isa sa mga naging choice sa hit segment ng Eat Bulaga na Bawal Judgmental, ngayong Lunes, July 13, si LM Cancio, ang mister ng award-winning Kapuso anchor at documentarist na si Kara David.
Tampok sa Bawal Judgmental ang musician na si LM Cancio kung saan celebrity judge ang Pepito Manaloto star na si Arthur Solinap.
Tatlong taon nang kasal sina Kara at LM na unang nagkakilala sa isang benefit concert.
Live din nakasama sa longest-running noontime show kanina ang Bright Side host at dito naikuwento niya ang pinagdaanan ng kanyang mister na nagta-trabaho sa isang barko para lang makabalik sa Pilipinas sa gitna ng pandemic.
Saad ni Kara David, “Bale kasama po siya doon sa unang batch ng mga OFW na pinauwi dito sa Pilipinas.”
Pabirong hirit pa nito sa mga dabarkad, “Ewan ko ba kung bakit ba pinauwi pa 'yan. Joke lang po.”
Umamin din ang magaling na Kapuso host na may halong kaba nang umuwi si LM sa bansa, lalo na at hindi daw sigurado kung safe ba ang mga dinaanan niyang airport mula sa coronavirus.
“Tapos pag-uwi niya dito nag-quarantine. Wala naman COVID awa ng Panginoon.
“Very safe naman sa barko, so alam namin walang naging pasahero na may COVID, pero siyempre nadun 'yung kaba, dahil ilang airports din 'yung pinagdaanan niya.
“Dumaan sila ng Amerika ganyan, 'tapos baka mamaya makakuha siya doon ng COVID, pero malakas naman ang resistensya niyan.”
Kara David, hindi muna nayakap ang asawa nang sunduin sa airport
Kara David, mahigpit na yakap ang sinalubong sa asawa matapos ang 14-day isolation nito
Hiningan naman nina Paolo Ballesteros at Jose Manalo nang mensahe si LM Cancio para kay Kara David at sinabi nitong patuloy lang daw siya tumulong sa mga nangangailangan.
“Kara, salamat dahil ikaw ay ikaw and sana patuloy ka lang na tumutulong sa mga nangangailangan at maging mabuting journalist.”
Ayon naman kay Kara na isa si LM sa kanyang ipinagpapasalamat sa kabila nang mga nangyayari ngayon.
Wika niya, “Mahal, sabi mo kanina sa kabila nang lahat marami dapat ipagpasalamat. Ikaw 'yung isa sa ipinagpapasalamat ko. And I will always be your number one fan. Love you.”
Kasama din sa choice sa Bawal Judgmental ngayong araw ang mga partners ng mga celebrity na sina Sheena Halili, Roi Vinzon, DJ Rico Robles, Pekto, PBA cager Joe Devance at beauty queen na si Christi McGarry.
Abangan ang George Foster Peabody awardee na si Kara David sa kanyang new show na Bright Side, tuwing Martes ng gabi na bahagi ng New Normal: The Survival guide strip sa GMA News TV!
Award-winning documentarist na si Kara David, may hatid na good vibes! |Teaser