
Nakatanggap ng tigi-tigisang Apple iPad mini at isang buwang supply ng Minute Maid ang tatlong ginang na kalahok sa online edition ng 'Pinoy Henyo' ng Eat Bulaga!
Ang tatlong ginang na nagngangalang Bernadette Salazar, Joana Marie Pring, at Marjorie Turingan, ay mga inang may mga anak na nag-o-online learning.
Wala ni isa sa kanila ang nakasagot sa pinapahulaang salita ng EB Dabarkad na si Maine Mendoza. Gayunpaman, ibinigay pa rin sa kanila ang tablet computer at isang buwang supply ng orange juice para sa online class ng kanilang mga anak sa bahay.
Isang online learner ang nakatanggap din ng parehong items matapos masagot ang tanong ni 'Boss Madam' Ryzza Mae Dizon na: Ano'ng probinsya ang Christmas capital of the Philippines?
Ang 17 anyos na si Paul Joseph Gonzles ng Valenzuela City ang masuwerteng nanalo ng Apple iPad Mini at isang buwang supply ng Minute Maid dahil sa mabilis at tama niyang pagsagot ng "Pampanga" sa tanong ni Ryzza Mae.
Samantala, namahagi rin si Ryzza Mae ng limang Php1,000 worth of load sa limang lucky viewers.
Sa mga nais maging player ng 'Pinoy Henyo' online edition, subaybayan lang ang Eat Bulaga sa telebisyon at i-follow ang kanilang official social media pages.