
Isa na naman sa choices ng always trending segment na Bawal Judgmental ng longest running noontime show sa Pilipinas na Eat Bulaga si Asia's Multimedia Star Alden Richards.
Photo Credit: aldenrichards02 IG
Ang mga hinahanap sa episode ngayong araw, January 16, ay mga artistang nagsimula muna bilang mga commercial models.
Ang celebrity judge ay si GMA Kapuso anchor Ivan Mayrina.
Isa si Alden sa mga napili ni Ivan sa tulong na rin ng "tsismosang kapitbahay" o ng kanyang home partner para sa laro.
Correct choice naman si Alden na nagbahagi ng ilang sa kanyang mga alaala noong nagsisimula pa lang siyang mag-audition para sa mga commercials.
17 years old lang si Alden noon at nag-aaral pa.
"Galing akong probinsiya, kailangan kong lumuwas ng Maynila so 'yung pamasahe, 'yun 'yung number one concern. Not enough 'yung sweldo ng dad ko doon sa current job na nakuha niya. Hindi na 'ko makahingi. Dumidiskarte ako ng sarili kong paraan para pamasahe.
"Good thing naman na may mga taong sumuporta rin sakin, sumasama rin sakin during those auditions," pahayag niya.
Kasama ang kanyang longtime personal assistant na si Mama Ten o Tenten Mendoza, nagko-commute si Alden mula sa kanilang tirahan sa Laguna patungong Maynila.
"Commute kasi 'yun eh so hindi ko makakalimutan 'yung routine ko noon 'pag nagko-commute ako para mag-audition.
"From bahay, magta-tricycle ako hanggang labas ng subdivision namin. Tapos magdyi-jeep ako mula Sta. Rosa hanggang Pacita. Tapos sa Pacita doon kami sasakay ng bus papuntang EDSA. From Pacita to EDSA, bababa kami ng EDSA Magallanes, sasakay kami ng LRT. Tapos 'yun na, lalakarin, magta-taxi na lang kami paglabas namin," paggunita niya.
Hindi rin daw naiwasan ni Alden na ikumpara ang sarili niya sa ibang mga nag-o-audition.
Hindi daw kasi siya makasabay sa ayos at bihis ng ibang mga nakakasabay niya.
Bukod dito, inamin din ni Alden na nakaramdam siya ng insecurity dahil tubong probinsya siya.
"Ang hirap kasi tayo mga taga-probinsiya tayo. 'Pag pupunta tayo sa Maynila sobrang laki ng insecurity ko sa Maynila that time. Siyempre 'pag taga-Maynila ka iba ka eh. City boy ka, city girl ka. Ako noong time na 'yun, sobrang insecure ako sa sarili ko.
"And at the same time, 'pag may mga ganoon akong nakakasama sa audition nakakapanliit. Alam mo sa sarili mo na taga-probinsiya ka. Ano bang laban ko dito?" aniya.
Gayunpaman, hindi pa rin daw sumuko si Alden at ipinagpatuloy ang pagpunta sa iba't ibang commercial auditions.
Pinalad siya nang mapili para sa television commercial ng isang growth vitamin brand.
Kilalanin ang naging leading ladies ni Alden sa kanyangg sampung taon sa showbiz sa gallery na ito:
Panoorin ng kuwento ni Alden at ng iba pang celebrieties na nagsimula sa commercials sa Bawal Judgmental:
Samantala, silipin ang mga celebrities na naging commercial models muna bago naging artista sa gallery na ito: