TV

Maine Mendoza, inalala nang mag-fan girl kay 'Asian Cutie' Albert Nicolas

By Aedrianne Acar

Mas lalong nakilala ng mga dabarkad ang sikat na vlogger na si Albert Nicolas a.k.a Asian Cutie sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga, kahapon, March 3.

Naging extra special tuloy ang birthday episode ni Maine Mendoza na aminadong fan ni Albert na taga Angono, Rizal.

Kuwento ni Albert, nagsimula siya mag-vlog noong 2017 at sa totoong buhay isa siyang wedding videographer.

Dito tinanong siya ni Maine kung marami bang nakakakilala sa kanya sa mga wedding na pinupuntahan niya. Ani Maine, “'Pag sa weddings Albert [Nicolas] ang dami nagpapa-picture sa'yo aminin mo yan”

Sagot ni Albert, “Oo… Actually, nagpa-picture ka sa akin…”

Inalala tuloy ng Phenomenal Star nang una niyang makita si Albert Nicolas sa wedding ni Sheena Halili noong 2020.

“Nagpa-picture ako sa kanya! Nung wedding ni Sheena [Halili] nakita ko siya gumaganun (motions with her body), nagvi-video. Hindi ako makapaniwala,”

Hirit uli ni Asian Cutie, “Actually, tinanong ako ni Maine sabi, 'ikaw 'yung sa Facebook 'di ba?'

“Sabi ko, 'Yes. Gusto mo magpa-picture? [laughs]'.”

Dagdag na kuwento ng sikat na vlogger na family business nila ang paggawa ng mga wedding video at malaking tulong din daw na nagagamit niya ang equipment ng kanilang negosyo sa kanyang mga vlog.

“Wedding videographer po talaga ako, family business namin.”

“Actually, connected din sa [trabaho] 'yung mga videos ko nagugulat sila may effort daw, pero ginagamit ko lang 'yung mga camera namin. Pagka may bakanteng oras sa shoot, pag may naisip kaming kalokohan ayun na dun na nagi-istart.”

Tinanong din ni Paolo Ballesteros si Albert kung siya ba ang nag-iisip ng mga kuwelang content niya online?

Saad niya, “Parang nag-istart ako mag-post and then may nag-viral and then siguro dahil natuwa 'yung mga tao, nagsu-suggest na rin sila sa akin. So, parang win-win situation na good vibes lang.”

May advice din si Asian Cutie sa lahat ng aspiring vloggers at hindi din mawawala ang words of wisdom niya na “malalim na deep meaning.”

“Well, 'yung mga aspiring vloggers, tuloy n'yo lang kung saan kayo masaya, dun kayo happy.

“Basta as long as masaya kayo sa ginagawa n'yo everything else will fall into place.”

Sa Instagram, nagpaabot din ng pagbati si Asian Cutie kay Maine Mendoza na nagdiwang ng kanyang 26th birthday.

Post niya, “May stage fright talaga ako. bago kami sumalang sa Bawal judgemental sobra kaba ko. Nung nalaman kong natatandaan ako ni Maine kumapal ang mukha ko lalo! Happy birthday! salamat at isa kang tunay na totoo! see you around and God bless you more and more!”

Balikan ang mga words of wisdom ni Albert Nicolas sa gallery below!