GMA Logo gladys guevarra
What's on TV

Gladys Guevarra, isang buwan pa lang kakilala ang mister bago nagpakasal

By Aedrianne Acar
Published June 3, 2021 3:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cellphone ng tindahan, tila may sumpa? | GMA Integrated Newsfeed
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit
EA Guzman and Shaira Diaz mark their first New Year's celebration together

Article Inside Page


Showbiz News

gladys guevarra


Biro ni Gladys Guevarra sa kanyang agarang pagpapakasal, "Hindi na ako bata! Kailangan ng habulin ang biyahe."

May ngiti ang comedienne-singer na si Gladys Guevarra nang lumabas siya sa Eat Bulaga, kung saan isa siya sa choices sa "Bawal Judgmental" ngayong Huwebes, June 3.

Sa naturang segment, naikuwento niya ang pagpapakasal nila ng kanyang non-showbiz husband na si Mike Guardian sa Las Vegas, Nevada.

Source akosigladysguevarra IG

Aminado ang dating Sunday Pinasaya star na isang buwan pa lang sila magkakilala ng kanyang mister.

Gayunman, tila hindi nagdalawang-isip si Gladys sa pagpapakasal kay Mike dahil, aniya, “Parang ang akin, hindi na kami nag-atubili na pahabain pa lahat ng preparasyon. Kasi, alam n'yo naman, di ko na patatagalin... True love, true love ito, 'day, true love!”

Pabiro ring sinagot ni Gladys si Paolo Ballesteros nang tanungin kelan siya ikinasal.

Sagot niya, “Paolo, hindi na ako bata! Kailangan ng habulin ang biyahe, mahuhuli na ako sa biyahe [laughs].

“Ayan na! May 8, kinasal kami.”

“Ang sabi nga nila baka daw mahigpit ang mga magulang ko, baka hindi kasi ako payagan."

Ayon pa sa bagong Mrs. Guardian, nakakita raw siya ng maraming signs na si Mike ang “the right one” para sa kanya.

Wika niya, “Marami kasing ano... maraming bagay-bagay, maraming senyales na naipakita itong tao na ito na tinapik rin ako ni Lord na, 'Ito na yun. Siya na.'”

“Sabi ko nga sa kanya, para akong 16-years-old na lahat ng pinakita niya, sinabi niya... first time lahat.”

Nakapanayam din nina Paolo at Ryan Agoncillo ang asawa ni Gladys na si Mike at tinanong kung ano 'yung nakita niya kay Gladys para magpakasal sila agad.

“Nung naramdaman ko na parang ayoko na siya mawala," sagot ni Mike.

"Sabi ko, kailangan i-grab ko na 'yung opportunity na 'to na kasi baka mamaya hindi ko na uli maramdaman.'

“Sabi ko, sa akin na siya.”

Sinegundahan ito ng stand-up comedienne, “Ang salita niya, it's been a long-time na hindi niya naramdaman daw 'yung ito, so parang ang sinasabi niya kapag pinakawalan niya pa daw ako kelan niyo uli mararamdaman.

“So, dun ako parang 'aww.'”

Iba rin daw ang nararamdaman niyang saya ngayong Mrs. Guardian na siya.

Ani Gladys, “Ang saya, ayoko pakinggan 'yung ibang sinasabi na, of course, sa simula masaya.

"Hindi! Kasi, araw-araw masaya kasi kami, natutuwa ako. Kasi, para akong bagong silang na tuwing umaga 'yung, 'Good morning Mrs. Guardian. Good morning my wife.' Ang sarap!”

Noong Mayo, kinumpirma ni Gladys na engaged na siya at ilang araw lamang ay inanunsyo niyang ikinasal na sila ni Mike.

Samantala, narito ang ilang pang celebrities na agad ding nagpakasal matapos ang engagement: