
Nagpatalbugan sa pagrampa sina dabarkads Maine Mendoza at beauty queen actress na si Maxine Medina sa episode two ng "Alamat ng Batang Hamog" sa Eat Bulaga noong Sabado, September 10.
Sa nasabing episode ng bagong segment ng noontime show, kinailangan sumali ng karakter ni Maine na si Menggamog sa isang beauty contest sa Barangay Hamog upang subukang maiuwi ang malaking cash prize na ibibigay niya sa kanilang ka-barangay na si Madam Georgia na ginagampanan naman ni Allan K.
Bukod sa rampahan, sumalang din sa question and answer portion sina Maine at Maxine at iba pang candidates mula sa "Bida Next."
Pero hindi lang pala sa rampahan at Q and A ang basehan ng mananalo sa pageant kung 'di sa dami ng tickets sales na naibenta ng mga kandidata. Dahil dito, nag-ambagan ang Barangay Hamog Phase 1 upang manalo ang kanilang pambato na si Menggamog ngunit hindi pa rin ito sumapat upang maungusan si Maxine mula sa Barangay Hamog Phase 2.
Ngunit nagulat ang lahat nang biglang umangat ang ticket sales ni Menggamog dahil sa pagpapadala ng pera ng isang anonymous sponsor. Dahil dito, si Menggamog ang tinanghal na Binibining Barangay Hamog 2022.
Samantala, sa nasabing episode ng Eat Bulaga ay bumisita rin sa segment na "Bawal Judgemental" ang aktres na si Julia Barretto.
Tumutok sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.
SILIPIN NAMAN ANG MGA LARAWAN NG MGA BATANG HAMOG SA EAT BULAGA SA GALLERY NA ITO: