GMA Logo Ryzza Mae Dizon, Maine Mendoza
Courtesy: Ryzza Mae Dizon (YouTube)
What's on TV

WATCH: Ryzza Mae Dizon's 'A day in Eat Bulaga'

By EJ Chua
Published October 4, 2022 1:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Ryzza Mae Dizon, Maine Mendoza


Paano kaya naghahanda si Ryzza Mae Dizon para sa kaniyang onscreen character bilang isa sa mga Batang Hamog sa 'Eat Bulaga?'

Na-miss n'yo ba ang vlogs ni Ryzza Mae Dizon?

Nito lamang October 3, muling nag-upload ng content ang Eat Bulaga dabarkads na si Ryzza Mae sa kaniyang YouTube channel.

Sa kaniyang pinakabagong vlog na A day in Eat Bulaga (Batang Hamog Takeover!), ipinakita ni dating Aling Maliit kung paano siya naghahanda para sa paglabas niya sa longest noontime show.

Mapapanood sa kaniyang bagong content ang pagpunta niya sa studio kasama ang kaniyang mommy, pagpasok sa dressing at makeup room. at pag-flex ng kaniyang look bilang si Ryzza Mae para sa segment na “Juan For All, All For Juan.”

Bukod sa mga ito, ibinahagi rin ni Ryzza kung paano siya nagta-transform bilang isa sa mga “Batang Hamog” na si Mae Hamog, ang kaniyang onscreen character sa Eat Bulaga.

Mapapanood din sa kaniyang vlog ang kulitan moments ni Ryzza kasama ang EB Dabarkads na sina Maine Mendoza, Allan K, Ryan Agoncillo, Maja Salvador, Miles Ocampo, at ilang production staff ng programa.

Mula nang pasukin ni Ryzza Mae ay mundo ng showbiz, hindi maikakailang isa siya sa labis na kinagigiliwan ng mga manonood at ng netizens.

Sa katunayan, nakatanggap siya ng positive comments sa kaniyang bagong vlog mula sa kaniyang subscribers sa YouTube.

Panoorin ang latest vlog ni Ryzza Mae RITO:

Sa kasalukuyan, mayroon nang 487,000 subscribers si Ryzza sa kaniyang channel.

SAMANTALA, TINGNAN ANG CUTEST THROWBACK PHOTOS NI RYZZA MAE DIZON SA GALLERY SA IBABA: