GMA Logo Mikee Quintos BTS
What's on TV

Mikee Quintos gets inked by tattoo artist of BTS

By Jimboy Napoles
Published October 5, 2022 4:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos BTS


Hanggang saan aabot ang pagiging certified BTS army mo?

Fresh from South Korea, game na game na ikinuwento ng Kapuso actress na si Mikee Quintos sa Eat Bulaga ang kaniyang pagpapa-tattoo sa isang sikat na tattoo artist na nag-tattoo rin sa mga miyembro ng K-pop group na BTS.

Sa episode ng "Bawal Judgmental" nitong Lunes, October 3, ibinahagi ni Mikee na isa sa mga ginawa niya sa South Korea ay ang magpa-tattoo sa tattoo artist na si Polyc. Ang artist na ito kasi ang nag-tattoo sa mga miyembro ng BTS. Gusto raw din kasi niyang makita ang ilang memorabilya ng BTS sa tattoo house nito.

"Siya talaga 'yung itinerary ko, siya kasi 'yung gumawa ng friendship tattoos ng BTS so 'yung '7' [tattoo] nila sa iba't ibang parte ng katawan nilang seven [siya ang gumawa] kaya I feel connected to them you know.

"Pero sobrang happy experience, ultimate fan experience siya," masayang kuwento ni Mikee.

Sa Instagram, ibinahagi ni Mikee ang kaniyang ipinagawang tattoo na isang hummingbird na inspired din sa grupong BTS.

Samantala, kuwento pa ng Kapuso actress, naging malalim ang paghanga niya sa BTS nang ma-inspire siya nito na balikan ang kaniyang pangarap --- ang maging isang singer.

Aniya, "I became a fan [noong] 2020, 'yung home studio na sabi ko, 'Sige magpapaka-singer na ako,' dahil binitawan ko na 'yung dream ko maging singer pero na-change 'yun dahil naging fan nila ako.

"Akala ko sabi ni Lord, ang plan niya sa akin ay acting na talaga, doon na ang focus ko, doon na 'yung heart ko. Tapos talaga 'yung realization nung night na 'yun, iyak ako, hindi ako nakatulong nung gabing 'yun. I came across one song tapos doon ako naging fan, tapos one year later I released my first single kaya grabe talaga 'yung gratefulness ko sa kanila."

Matatandaan na inilabas ni Mikee ang kaniyang debut single na "Just Enough" noong nakaraang taon sa ilalim ng GMA Playlist.

Kuwento pa ni Mikee, "Actually, 'yung pagka-fan ko kasi sa kanila, 'yung iba bumibili ng merch na ibinebenta 'di ba, ako I like buying stuff they personally buy din kaya 'yung equipment na binili ko, 'yung headphones, 'yung monitor speakers, ni-research ko kung anong gamit nila sa mga studio nila 'yun 'yung binili ko."

Bukod kay Mikee, kilala rin bilang certified army o BTS fan ang mga celebrity na sina Megan Young at Arci Muñoz. Huli namang napanood si Mikee sa kakatapos lang na top-rated GMA Afternoon Prime series na Apoy Sa Langit.

SILIPIN ANG NAGING PAGBISITA NI MIKEE SA SOUTH KOREA SA GALLERY NA ITO: