GMA Logo Maja Salvador
Source: maja, rayvercruz (Instagram)
What's on TV

Maja Salvador wishes to dance again with Rayver Cruz

By Jimboy Napoles
Published October 6, 2022 5:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Maja Salvador


Isa sa birthday wishes ni Maja Salvador ay muling makasayaw ang kanyang kaibigan na si Rayver Cruz.

Masayang nagdiwang ng kanyang kaarawan ang aktres na si Maja Salvador sa longest running noontime show sa bansa na Eat Bulaga kahapon, Miyerkules, October 5.

Bukod sa pagbati ng kanyang mga kaibigan at kapwa dabarkads, isa sa mga nagpadala ng birthday greetings para sa aktres ay ang kanyang matagal nang kaibigan sa showbiz na si Rayver Cruz.

"Hi Bro, happy happy birthday sa'yo Maj.. ang masasabi ko lang ay sobrang proud ako sa'yo hindi man tayo laging nagkikita pero alam mong mahal na mahal kita bro. I miss you enjoy your birthday and I'll see you soon. I love you, Maj!," mensahe ni Rayver para sa aktres.

Nagpasalamat naman si Maja sa mensahe ni Rayver na matagal niya na ring hindi nakakasama. Hiling din niya na sana ay muli niyang makasayaw ang aktor partikular na sa Eat Bulaga stage.

"Bro, salamat salamat. Hindi ko pa nakasayaw si Rayver dito no? Sana dito sa Eat Bulaga magsayawan tayo, isa 'yun sa wish ko," ani Maja.

Dagdag pa niya, "'Yun din ang wish ng fans, kasi diba nung mga bata pa kami, kami 'yung madalas na magkasayaw?

"Hindi naman sa showdown, pero yung fans and supporters lang namin ay naglalambing na baka magkaroon ng chance ulit kasi kami ni Kuya Rodjun, nakapagsayaw na kami ulit dito sa EB stage."

Matatandaan na noong nakaraang Sabado ay nakasama na ni Maja sa isang dance number sa nasabing noontime show ang kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz.

Si Maja at Rayver ay nagkasama na rin noon sa ilang mga TV at film projects at halos sabay na gumawa ng pangalan sa industriya sa larangan ng pag-arte at pagsayaw.

Isa sa tumatak na proyekto nina Maja at Rayver ay ang 2005 TV series na Spirits, at nanatiling magkaibigan ang dalawa kahit pa naging madalang na ang pagsasama sa iisang programa.

TIGNAN ANG SEXIEST PHOTOS NINA MAJA SALVADOR SA GALLERY NA ITO: