
Marami ang kinilig sa episode ng Eat Bulaga ngayong Miyerkules, October 19, dahil sa audition ng YouTube vlogger at aktor na si Kimpoy Feliciano sa segment ng noontime show na "Bida Next," ang search for the next EB dabarkads.
Sa kaniyang audition, ibinida ni Kimpoy ang kaniyang galing sa pagkanta kung saan inawit niya ang "Closer You and I," ni Gino Padilla, at ang kaniyang sariling awitin na "Ilusyon," na first time niya ring kinanta sa TV.
Ayon kay Kimpoy, alay niya raw ang kanta na ito sa isang mahal na kaibigan na ngayon ay "taken" na at nirerespeto niya ang relationship status nito.
Hindi naman natapos sa dalawang kanta ang inawit ni Kimpoy dahil, kinanta niya rin ang awiting "Mahal na Mahal," ni Sam Concepcion.
Matapos ito, ni-request din ng Eat Bulaga hosts at "Bida Next" judges na sina Allan K, Maine Mendoza, at Ryan Agoncillo na i-duet ni Kimpoy at ang guest host na si Ruru Madrid ang nasabing awitin. Game na game naman na pinaunlakan ni Ruru at Kimpoy ang hiling ng judges.
Si Ruru at Kimpoy ay nagkasama na rin noon sa GMA series na TODA One I Love.
Samantala, ibinahagi naman ni Kimpoy ang kaniyang dahilan kung bakit niya napiling mag-audition sa nasabing segment.
Aniya, "Gusto kong maging EB Dabarkads kasi like na-mention ni Maine [Mendoza] sobrang nag-enjoy talaga ako sa experience ko bilang Cafe Barista ng 'Bida First' kaya nakita ko kung gaano ka-close ang pamilya ng 'Eat Bulaga' and naging parte ako no'n sobrang saya ko na and gagawin ko ang lahat para makadagdag pa, alam kong napapasaya na nila tayo pero gagawin ko ang lahat para makadagdag pa ng saya sa inyong tanghalian."
Para sa iba pang updates tungkol sa "Bida Next," tumutok lamang sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA o bisitahin ang Eat Bulaga show page sa GMANetwork.com.
KILALANIN ANG ILAN PANG CELEBRITIES NA NAG-AUDITION SA "BIDA NEXT" NG EAT BULAGA SA GALLERY NA ITO: